Global Marijuana March Adventure

 

Isinulat ko ito na karugtong ng blog tungkol sa “Ang totoong kultura ng Cannabis movement sa Pilipinas” 

Ang totoong kulay ng kultura ng Cannabis movement sa Pilipinas.

Global Marijuana March 

Medyo sinubukan kong tanawin dito sa Pilipinas na magkaroon ng platform para makapagexpress at magkaisa ang bawat isa. Yung magiging
pagtutulungan ng lahat. Yung walang darating na bisita kasi lahat ay bahagi. Yung walang  ownership/admin/founder. Yung walang taong mukha ng march/movement. Parang bayanihan at potluck. Walang kanya kanyang brand o pangalan. Kaso medyo nakita ko na karamihan, ang pang sariling interest na dala ay yung mafeed ang ego.

Normal siguro na kapag mahilig ka sa celebrity eh may pakiramdam ka na maghangad maging isa din at big deal yun. O kaya maging parang gang leader kuno. Yung idea din ng isang gabay. Pati yung kultura na paghalik sa pwet.

Napakahirap ipasok nung bayanihan at pagkakaisa na sinasabi dahil sa kanya kanyang interest. Halo halong kultura din kasi. Kahit napagusapan na ng maraming beses ang idea ay ilulusot pa rin ang sariling kultura. Tulad nung nag-ayos ng lugar ng event ng march.

Nagkaroon ng idea na sila dapat ang admin ng page kasi sila ang nagpakahirap don sa pagaasikaso sa event. Binibilang nila ang contribution nila. Ang idea din na yung event ang gmm at nalimutan ang pagkakaisa. Yung view na mas mahalaga yung ginawa nila doon sa isang taong feeling nila na nagsalita lang sa event. Yung taong hindi naman binilang ang contribution niya mula simula sa paghalukay sa network niya at tiwala sa kanya ng tao para magkakilakilala ang mga ito. Na kung tutuusin ay siya ang nagsimula.

Mahalaga sa kanila ang pagiging admin ng page kasi feeling nila sila ang nagaasikaso pati ng pagpprint ng shirts. Kung iisipin eh bakit ba mahalaga maging admin ng page? May iba bang binibigay sa pagpapataba ng ego? Maibabalot mo sa sarili mong palamuti na isa kang admin? Yung tawagin kang idol tulad ng hinahangaan mo? Yung gigil na maging admin kahit ang sabi niya ay wala siyang hilig sa facebook. Yung magpprint sila ng shirt tapos may mga gustong tumulong na marunong sa pagpprint pero hindi nila tinanggap kasi nakakahiya daw? O para sa  control? Hindi ko maintindihan kung gusto lang nung “leader leaderan” nila sa pagpprint na pagpraktisan ang pagpprint at mailagay sa ilalim ng pangalan niya. Yung credit? Hindi ko din sure kasi hindi ko alam ang istorya ng buhay niya.

Yung nagkafeeling ng sa kanila yung movement. Hindi din nakakapagtaka kasi isang beses eh tinabig pa ako nung tao na yun na parang high school para makipag-unahan sa paboritong pwesto niya sa photo op. Hindi ko alam kung para sa facebook ay kita sila agad ng mga kaibigan na astig yata siya.

Dito sa march na ito ako nilagyan ng label ng kultura nila na isang negative, toxic, asshole at kung ano ano pa. Pero nagbubulagbulagan sila kung saan nanggagaling yung inis/badtrip o pagtutol ko ng hayagan. Kaysa sa nakasanayan na kultura na pagsasalita ng talikuran o hindi magawang ihayag ng harapan. Sabi nga sakin nung isa, ang toxic ko. Positive lang daw dapat. Pero nung ikikwento ko yung nalaman kong kalokohan na ginagawa nung ilang kabataan na tumutulong ay ayaw niyang marinig ang kwento. Ayaw harapin atang gusto ay positive lang. Hindi ko alam kung hypocrisy ang tawag, sabi niya ang tawag sa ginagawa niya ay pakikipagkapwa tao.

Pero hindi naman din natin alam ang kwento sa likod ng istorya nila. Pero ako ang toxic dahil ayokong magpaligoy ligoy o magpakahunyango. Parang sayang naman kasi ang buhay eh. Ang pinakamasaklap sa paglalagay nila ng label sa akin na toxic, negative,energy vampire at iba pa, ay ang muntik na nila akong mapaniwala na totoo.

 

Social status

Naexperience ko din dito ang isa sa tungkol sa social status. May imeet kami na tutulong sa march na medyo english kung makipagusap sa facebook at medyo mukhang may kaya yata sa buhay ang tingin nila. Umayos daw ako, ang sabi saken ng kasama ko bago namin imeet kasi nga maaayos ang tingin niya don. Pero ayun kasi talaga ang realidad sa society.

Mga growers na maporma sa social media. Monsterbuds yung sinalihan yata nila. Yung tipong maraming alam. Yung kung ano ano ang sasabihin na technical sa pagtatanim kahit alam niyang hindi naiintindihan ng kausap niya habang pinupuri ay lalong sarap na sarap. Tapos kapag may pinagusapan ng ibang bagay eh feeling nila eh mas may alam pa rin sila. Na mali yung sa kausap, na yung alam nila ang tama. Na wala silang muwang na pinagmamasdan pala ng kausap nila ang asta nila.

Nakakapagpataba din kasi siguro sa ego na parang feeling niya eh astig siya. Iniisip ko nga kung ano kaya ang pinagdadaanan nila at parang matakaw sila na makaramdam ng ganon.

Nakita ko sa kultura nila na feeling nila special sila kasi grower sila at angat sila. Lalo na nung simulan kong nakinig sa kanila na pangiti ngiti at animo’y batang walang muwang na nakikinig sa kanila na nailagay ko sila sa pedestal. Ayun lalong lumaki ang ulo.

Nung huli ay napagtanto namin na may katarantaduhan palang balak sa kasama ko. Ngunit dahil sa social status nung mga yun ay ako ang dapat umayos at silang may binuo na imahe na galing sa maayos na lugar at may asal.

May nameet din kami bago yun na kasamahan nila sa monsterbuds. May binubuo din na imahe na marami ding alam kuno masyado pati sa pagtatanim. Na nalaman naman namin nung huli doon sa maayos ang “social status” na hindi daw marunong magtanim yun at pinalalabas nilang katawa tawa lang yung tao. May halo din ang kultura na kapag nakinig ka at pangiti ngiti tapos naparamdam sa kanila na sila ang may mas alam sa isang bagay ay tumataba ang ego. Nung tinanong nila ako tungkol sa march ay nabanggit ko din yung highiscool tungkol sa pagkakaisa. Ang sabi sa akin ay bago lang naman yun eh.

Cannabis movement
Sa ilalim ng brand o pangalan 

Hindi lang naman sa Pilipinas ang may kultura sa pagpapataba ng ego ang mga ginagawa. Kultura ito sa buong mundo. Siguro normal tulad ng pagkahilig sa celebrity o pangarap maging bayani dahil sa itinanim sa atin hanggang maging kultura.

Bago ang idea ko ng global marijuana march sa Pilipinas ay may cannabis group kaming binuo sa ibang bansa nung hindi pa nasa mainstream masyado ang cannabis. Kahit hindi ako taga bansa nila ay ang pakiramdam ko ay bahagi pa rin ako. Sa paniniwala ko na iisa lang tayo. Nagkataon lang na magkaiba tayo ng lugar. Yung temang parang ang korni ng Pinoy pride.

 

Marami ng nagtulungan sa pagset up ng temang pagkikita kita sa isang lugar na parang gmm at 420 day ang tema sa bansang yun ngunit hindi natuloy. Hanggang sa nalipat sa facebook at nakita na sakto yung Global Marijuana March na pangalan at makiisa don. May nagorganisa ng march ngunit biglang pinutol ang connection sa amin at nilagay sa ilalim ng brand niya. Pumalpak tapos yung katumbas ng pccs sa bansa nila ay may founder. Nagalit sa amin at ishutdown daw namin ang group dahil  nga don sa sablay na nangyari na akala mo siya ang gobyerno ng marijuana sa bansa nila. Kahit hindi naman siya tumulong kundi nagcomplain lang.

 

Minsan nakakabuo din ng idea na parang may karapatan ang mga sikat. Dati nasabihan din ako nung sinusubukan kong ikalat pa lang ang idea ng gmm sa Pilipinas. Wala namang koneksyon sa mga grupo yung tao pero tinanong ako na parang kung nakapagpaalam  na daw ba  ako sa PCCS, 420Philippines at Pormal. Natawa na lang ako.  Pero nakita din ang punto na nakakalikha ng ilusyon sa tao na parang ang mga ito ang may karapatan o gobyerno sa cannabis.

Ang pagkakaintindi ko ay kahit sino ka pa o ano mang contribution mo ay pantay lang sa lahat.

Mabalik tayo sa march sa ibang bansa. Sumunod na sinubukan namin ulit ay nagkaroon kami ng parang photo op. Umabot sa mahigit 50 katao ang dumalo sa bansa nila at napaka ingay ng reaksyon ng tao. Ngunit ang mga sumunod na meet ay hindi pinahintulutan ng masamang panahon.

Makalipas lang ang ilang weeks ay biglang nag announce na ang founder ng grupong nagalit sa amin ng sarili niyang march at kung ano yung mismong ginagawa namin ay parang tinuloy niya nung nakita niyang ginanahan ang mga tao. Syempre pinalagay nya sa mga placards yung pangalan ng org niya. Tapos sa news nagpabida na animo’y purong malasakit sa movement at ginawa niya ang mga ito.  Yung sikat siya.  At parang hindi kami nageexist. Malaking tulong sana kaso masyadong kita ang intention niya. Ang interest niya ay mapunta sa ilalim ng pangalan niya dahil sa natatamasang pagpuri at itinuturing siyang bayani. Ang nakakagulat na nangyari ay ang mga tumiwalag na mga kagrupo niya ay nagpahayag na corrupt siya at ginagamit sa pangsarili ang pagkakilala sa kanya ngunit magaling ang marketing niya. Masarap sigurong mainterview sa tv o newspaper. Nakakahigh siguro na isa na siyang kilalang personalidad.  Huwag lang natin sigurong makalimutan isipin na pwedeng hindi natin alam ang istorya ng buhay nila.

 

Ang totoong kulay ng kultura ng Cannabis movement sa Pilipinas.

Be the first to comment

Leave a Reply

Or

Your email address will not be published.


*


Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.