Ang totoong kulay ng kultura ng Cannabis movement sa Pilipinas.

Ang nakikita kong kultura ng cannabis movement sa Pilipinas eh medyo karaniwan naman tulad ng sa mainstream. May mga “sikat”, may astig, may idea ng pagiging bayani, meron ding gustong maging rockstar, maging bida sa kapwa o para busugin ang matabang ego at kung ano ano pang nageexist sa pang araw araw na buhay.

Hindi ko sinasabi na mga mali ito at problema dahil may kanya kanya naman tayong realidad at ito ang karaniwang kultura na kinamulatan.   Ito lang ang mga sinasabi ko kung anong nakikita kong kultura meron ang cannabis movement sa Pilipinas.

 

Siguro bago ko ituloy ang mga sinasabi ko eh ipaliwanag ko muna kung anong perspektibo ng realidad ang kinauupuan ko. May kanya kanya naman kasi tayong reality. Nakadepende kung saan ka nakaupo ang kung ano ang makikita mong mali at tama. Gusto kong ipaliwanag hindi dahil para makumbinsi ka kundi para mabasa mo kung paano ang pagkakabigkas ko sa mga sinusulat ko na ito. Wala naman talaga akong pakielam kung ano ang maging reaksyon mo. Kung magagalit ka o matutuwa ka. Nakaupo ako ngayon na nanonood lang. Kung di mo maatim talaga eh yung iba na lang basahin mo 🙂

Ano yung mga pinagsasabi ko? Madalas kapag may experience ka na sa psychedelics tapos nagweed ka, ang tama animo’y nakapsychedelics ka. Kung minsan biglang maaalala mo pa yung reality mo sa dmt trip mo. Tulad nung pagka-hit mo ng dmt tapos magsisimula mo ng marinig yung mahiwagang tunog saka makikita mo yung isang realidad mo na unti unting nagiiba pero ang feeling eh naalala mo lang na galing ka na don,na andito na ulit ako, na parang alam mo na yun. Minsan naman parang naka acid ka na mapapansin mo yung isang side ng mga bagay bagay tulad ng KULTURA.

Siguro isa sa mga pwedeng gawin kong halimbawa ng kultura ay yung tulad ng nagbreak na magpartner sa isang rebound relationship. Nung nakipaghiwalay yung babae, sabi nung babae eh kung nagawa niya sa asawa niya eh sayo pa kaya? Sino ka ba? Asshole ka eh! Ang nasa isip naman ni lalaki ay kung nagagawa nung babae na magcheat sa asawa niya eh sa kanya pa kaya? Ang tingin naman ni lalaki ay cheater yung babae.

 

Ang nagdedecide dyan ay yung kultura. Hindi yung kwento sa likod. Ang kultura kapag nagcheat yung babae dahil daw malandi, makati, nakasanayan na, masamang babae at kung ano ano pa. Yung lalaki naman na asshole eh narcissist, toxic, makasarili, baliw at kung ano ano pa.

Hindi yung idea na nagcheat pala yung babae dahil nakaramdam na siya ng companionship sa iba dahil unti unting di niya na maramdaman sa partner niya. Pwedeng may pinagdaanan yung babae nung kabataan na pagiisa kaya ang emosyon ay madaling mapasandal. O di na siya makakita ng progress sa partner niya. Pwedeng mas nakaramdam siya ng mas nakakapunan sa mga kakulangan na hinahanap niya. Posible din na may kakaiba siyang thrill na nararamdaman sa mga panakaw o patago na pagkakataon na hindi natin maunawaan.

Pwede din kasing hindi na siya napapahalagahan ng tama. Wala sa kultura natin na kapag nagcheat ang babae eh mag aalala ang lalaki sakalagayan ng emosyon nung babae. Na di niya na pala napapahalagahan na.

Yung lalaki naman tinuring na si asshole, hindi tiningnan yung side na baka dahil andon siya sa panahon ng buhay na mahina siya o wala sa hulog, na karaniwan namang dinadaanan ng lahat. Pwedeng panahon ng disorder niya. O kaya marami pala siyang fear at insecurity din na normal sa tao na lumalabas minsan sa buhay pero ang label sa kanya ng kultura ay asshole.

Tapos kunwari yung partner niya palang babae eh ang kultura ay ok lang sumama na magovernight na kasama ang ibang kaibigang lalaki. Biglang isang gabi ay nasa labas yung partner niyang babae,  nung lumalim na ang gabi ay biglang di na niya macontact buong magdamag na di normal sa kanila. Di sinasagot ang mga tawag at text tapos kinabukasan ay nagtext yung partner niyang babae na doon daw siya natulog kasama yung kaibigan na lalaki. Tapos  nung nagkwento ay paiba iba pa ang detalye na sinasabi nung partner niyang babae tulad ng nasa table lang daw kasi ang phone niya at ang taas ng tama niya habang umiinom ang bisita at kaibigan niyang lalaki.  Tapos biglang nag-iba na natulog lang siya tapos biglang iba iba din ang nasasabi  kung anong oras umuwi.

Kung natyempo na yung lalaki ay nasa panahon na may insecurity eh lalong lumalala sa ganong pagkakataon. Maguguluhan kung ano ang totoo o kung may totoo. Magcheat din si lalaki pagtapos non pero hindi mawawala ang lamat dahil sa kultura natin ay iba kapag ang babae ang nagcheat.  Pwedeng unti unting mawala ang tiwala at respeto pero maituturing siyang asshole ng kultura sa naging reaksyon niya. Na magreresulta din na mawalan na ng atraksyon ang babae sa lalaki.

 

 

Pwede pa sigurong pagpapakita ng kultura natin ay yung tungkol sa pagkumpara sa aso at baboy. Yung aso kapag kinatay mo ay napakarahas tingnan para sa kultura natin. Pero kung yung baboy ang katayin eh ok lang. Pareho naman silang hayop na may buhay o nasasaktan pero sa kultura na nakatanim sa atin ay yung isa ay pet tapos yung isa food. Hindi ko sinasabing may mali dito pero ayan ang tinutukoy ko na kultura.

 

Ang kultura naman sa Cannabis movement sa Pilipinas eh ang karamihan ay

* Ang gusto ay nasa ilalim ng brand nila o pangalan.

*May mga taong sikat, astig at respetado kaya syempre merong hindi.

*Mga nakatagong pang sariling interest.

*Kapag nakita sa tv o kaya admin ka ng sikat na marijuana page eh yun ang mga bida. Na halos parang nabubuo ang ilusyon na sila ang boses ng marijuana at ang sariling paniniwala nila tungkol sa marijuana ang mabubuong dapat na paniniwala ng paligid.

*Walang muwang na paglalagay sa pedestal sa ilan at ang paghalik sa pwet ng ilan.

*Nageexist ang social status. Saka yung pagbuo ng imahe mo na “astig”. Kung paano ang tingin sayo ng tao.

*Nagiging gatasan din ito sa pagpapatibay ng pagbuo ng matabang ego. Yung mga personal na paghahangad.

-Yung maging kung sino ka sa society.
-Yung makikita at mapapabilib ang mga kamaganak mo o mga lumang kaibigan na aktibista ka, may ginagawa ka sa lipunan o astig ka.
-Yung feeling na makakatanggap ka ng respeto at pagpuri. Yung kilala mo din si ganto at ganon na mga tinuturing na sikat. Isa kang bayani.

Normal sa society natin ang kultura ng paglalagay sa pedestal sa ilan.

Minsan naiisip ko nga na parang perya na o baka kasi nga eh nasa parang teenage stage pa ang cannabis movement sa Pilipinas katulad din ng society. Mageevolve din naman sigurado ang kultura ng mundo at ang pag-unawa ko.

Nakita ko nga sa isang video dati na parang ang sinasabi nung madalas mainterview sa tv na hindi naman sila mga adik. Pero eto yung pinapalakpakan ng mga taong humihitit dahil nakakita sila ng dahon ng marijuana at cannabis na salita sa grupo nito. Yung isa namang matanda na nakita ko sa docu na iniinterview eh itsurang parang kunwari ay pinapakita na  pinipigil maluha habang simpleng pinupunto yung pagiging compassionate niya. May idea din na parang mas may saysay ang ginagawa nila kaysa sa online o facebook “lang”.

Siguro magkwento ako ng konti sa maiksing byahe ko sa cannabis community o movement bang matatawag. Baka doon mas mailarawan ang
ilang ibig kong sabihin sa mga nakikita ko.

Highiscool.com

Bandang 2012 eh sinubukan kong itayo ang isang marijuana forum sa Pilipinas. Bukod sa ito ang hilig ko ay isa sa mga nagbigay sa akin ng gana ay nung mapansin ko yung ilang sikat na marijuana pages. Hindi ko maalala kung Pormal o 420Philippines ba yung nabasa ko. Sa isang post na magkaiba sila ng paniniwala, nung nagcomment na supporter din ng marijuana. Pero syempre kahit may ibang paniniwala, ang mangingibabaw ay yung paniniwala o reality ng admin ng page. Ang nasa isip ko non eh sa forum ay makakapagsalita ka ng malaya at pwede kang marinig ng iba. Bukod pa sa pwedeng magkaisa at marami pang matutunan. Hindi yung boses ng ilan ang tumatayong boses mo.

Halimbawa ay yung mga nagtutulak ng Medical Marijuana. Ang sinasabi nila sa tao ay ito ang dapat muna ang itulak. Pero syempre may paniniwala din na iba tulad ng hemp dapat muna. O kaya ganto o ganon.

 

-REPEAT AFTER ME!-

 

Hindi ko naman sinasabing mali. Kung tutuusin wala naman akong interest sa pagsigaw sa gobyerno o ano mang pakikipaglaban sa legalization. Nageenjoy lang sa byahe natin. Maglatag ng kung anong baka sakaling makakapagbigay ng pagkakaisa at boses na medyo kinaaaliwan kong gawin. Marinig ang boses ng bawat isa pero syempre may mga mas malalakas na maririnig. Kaya wala akong pinupunto na may tama at mali sa kanila.

Kung paniniwala naman sa legalization ay parating na naman talaga sa mundo. Hindi na mapipigilan. Nagsimula na sa western countries at automatic na naapektuhan tayo. Kaya nga minsan kapag sinubukan mong tumahimik at pagmasdan yung mga nagsasalita na animo’y parang kabayanihan nilang nagagawa ang mga nangyayari sa marijuana kung idescribe nila ay mapapangiti ka. Pero syempre hindi mo pwedeng banggitin sa tao ang napupuna mo kasi lalagyan ka ng label na naiinggit o kaya negative.

Ang isa pang nakita kong kultura ng ilan ay ang pagtulak ng magandang imahe para kumbinsihin ang mga hindi naniniwala. Mas lamang kaysa tungkol sa katotohan.

 

May isa ding kultura na mas importante ang mga nakikita natin na mga batang may malalang physical na sakit. Mas may drama dito. Mas tanggap ng kultura natin. Mas nauunawaan. Mas mayroong tinatawag na compassion. Makikita mo pa paghihirap ng mga magulang na may halong iyak. Masakit naman yung dinadaan din kasi talaga nila.

At yung mga tinatawag na adik na humihitit ang nagpapasira ng imahe daw. Lalo na yung mga kabataan na umaabuso daw. Tulad nung nakita ko dati na post yata ng 420Philippines o admin non. Isang pic ng kabataan na nagsisindi. Parang ang sabi yata kung tama ang naalala ko ay ito ang dahilan kaya hindi magiging legal o makakasira ng imahe ng marijuana sa bansa.

Pero di ko sinasabing mali sila. Ayun yung perspektibo nila eh. Ayun ang kultura na sinasakyan natin. Ang imahe at pagsakay sa takot na panghuhusga ng mga hindi naman nakakaalam ng katotohanan sa marijuana. Kung tutuusin maraming kabataan na umiinom ng alak na nagpipic pero ok lang sa kultura natin. Dahil sikat na marijuana page kaya yung view niya na din ang mangingibabaw sa paligid.  Yung tungkol sa pagsayaw sa kung anong tugtug ang gusto ng society. Eh marijuana page nila yun kaya reality nila yun.

Pagkakaintindi ko ay ang paghitit ng mga kabataan ay ok lang naman. Kung ang katotohanan ay nagpipic ang mga kabataan na ito, eh ayun ang katotohanan. Kung tutuusin, sa ginagawa nila ay bumubuo sila unti unti ng kultura na maging normal ang paghitit ng marijuana na hindi nila namamalayan. Pero dahil ang ilan ay nakasakay sa kultura ng imahe ay parang binubuwag nila ang mga ginagawa ng mga kabataan. Kadalasan naman kabataan ang may tapang at kapangahasan na baragin ang nakasanayan na kultura. Dumaan din naman ako sa kabataan at nauunawaan ko ang pakiramdam ng mga ginagawa nila. Kaya hindi ko sila pwedeng sisihin sa mga ginagawa nila.

16 years old pa lang ako eh may depression na ako. Pero sa makikita mo sa kultura ay hindi nababagay ito sa mga kabataan. Kaya makulit din makita ang reality na isinisigaw ng iba na mas importante ang “Medical Marijuana” at yung mga nangangailangan ng cannabis oil na may matinding sakit. Pero strategy nila siguro at ayun yung kinagat ng tao eh. Ayun din ang realidad na kinalagyan ng pagkakataon nila kaya kailangan maunawaan din.

 

 

Nauunawaan ko naman  ang pamilya sa pinagdadaanan na hirap dahil napagdaanan ko na din naman ngunit sa kultura natin ay mas matimbang talaga ang mga may physical na sakit kaysa sa isang humihitit na may depression, ptsd o ano pang tinaguriang mental illness na pwedeng bukas ay biglang magpakamatay na lang. Sa kultura, yung bawat segundo sa buhay nila na naghihirap ay hindi ganon katindi tulad nung may physical na sakit.

 

Ang experience ko naman na adventure sa


Global Marijuana March 

Global Marijuana March Adventure

 

Ito siguro talaga ang normal na kultura ng buhay.  Posible din naman na mag-evolve pa ito sa mga darating na panahon.  Ang mahalaga  ay aware tayo na may kanya kanya tayong kinauupuan o reality kaya nasa iyo kung tatanggapin mo ang mga sinasabi ko. May kalayaan ka. Sarili ko lang din naman talaga ang kausap ko 🙂

Minsan kapag napupunta ka sa mood na parang observer ka ay mas nakakaaliw panoorin na lang ang paligid. Yung parang walang kakilala at pinagmamasdan mo lang sila. Tapos tipong yung mga normal naman sa paligid ay mas napupuna mong parang ang weird. Yung may idea din na chill ang death. Hindi ko sure kung obesession ng matatawag pero lagi kong naiisip, halimbawa ay kapag binaril ako sa ulo ay mageexpand lang ang consciousness ko. Mas nagiging mas malaya ka.

Be the first to comment

Leave a Reply

Or

Your email address will not be published.


*


Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.